Hindi ko naman kasi alam kung binibigyan ko lang ng meaning lahat ng nakikita ko, lahat ng naoobserve ko. Pero hello? Tao naman kasi ako, hindi ako tanga para walang maisip na kung ano ano.. Ang hirap ng ganitong buhay grabe, parang kala mo mamamatay ka na sa sobrang lungkot e.
Totoo pala..
Totoo pala lahat ng sinasabi nila about sa love..
Totoo pala na sa una lang siya sweet..
Totoo pala na hindi yun forever..
Totoo pala na hindi siya nag-tatagal..
Totoo pala na masakit magmahal..
Totoo pala na masasaktan at masasaktan ka kapag nagmahal ka..
Totoo pala na mahirap magmahal..
Totoo pala talaga lahat yun..






